Gilas Pilipinas Binawian ang China sa FIBA Asia

Sa unang laro ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia ngayon 2017 ay tinalo nila ang defending Champion na China. Sila din ang naglaban sa Finals noong 2015 at nanaig ang tangkad ng mga Tsino.

Mainit ang naging laban at binigyan pa ni Carlvin Abueva ng isang headbutt ang kalaban na naging sanhi kung kaya’t siya ay na-thrown-out. Matindi ang depensa ni Japeth Aguilar at Gabe Norwood kaya nahirapan at puro supalpal ang inabot ng mas matatangkad na mga manlalaro ng China.

Wala pa ring kupas ang 31 years old na best point guard in Asia na si Jayson Castro William. Ang kanyang bilis at diskarte ay nagbigay ng magagandang assist sa kanyang mga kasama.

Ngunit ang nag-aalab na performance ni Terrence Romeo sa huling yugto ang sumigurado sa panalo ng Gilas Pilipinas.

PHI 96 – CHI 87.

 

Add Comment